MERLITA
Naalala ko pa. Second year tayo noon. Pilipino at teacher natin si Mrs. Corazon Lojo. Hiyas ng Lahing aklat. Kuwento ng pag-ibig. Bakit ba tayo ang nakatuwaang pag-pares ni mam. Mga katagang nauumid ang aking dila. nagpapalakpakan ang aking tainga, nagmamartsa ang aking ngipin. Kuwento ng unang pag-ibig at katyopean ng lalaki pag nakikita ang kanyang nililiyag.
Simula noon tayo na ang naging loveteam ng II-D. Madalas kantyawan ako ng mga classmates natin na kaya raw RayMer's pharmacy botika namin dahil Mer daw ay hango sa ngalan mo. Napipikon ka noon, ako naman ay magkahalo ang galak at hiya. Katunayan nga noong kris kringle hindi naman ngalan mo ang nabunot ko kungdi nakipagpalit lang ako kay Jun noong makita kong ngalan mo ang kanyang nabunot. Tandang-tanda ko pa binigay ko sa yo noon mga panyo. Tukso nila mukhang gusto kitang paiyakin. Ngunit mali sila. Ako pala ang iyong paiiyakin. Dahil sa masaklap na sinapit mo mahal kong Classmate, lungkot na lungkot ako. Bakit ang isang taong kagaya mo na wala akong alam na kaaway, mabait at nagsisikap para sa pamilya at sa magandang kinabukasan, katapusan ay hahantong sa ganito at maging mister mo. Paano na ang pangarap ninyo sa inyong pamilya. Ang inyong mga anak na ngayon ay ulila ng lubos. Sa mga salarin na walang budhi, kinuha na ninyo ang yaman, kinuha pa ninyo ang buhay, sana dumating na rin ang katapusan ninyo dahil sa kahayupan ninyo. Mga wala kayong konsensiya kaya dapat sa inyo ay malipol na.
Pagpatawad mo classmate kung nadala ako ng emosyon sa kaganapang ito. Sana maging tahimik kayo kung saan man kayo naroroon. Taos pusong panalangin ang handog ko sa inyong mag-asawa at gabayan sana ng Diyos ang inyong naiwanang mga anak upang lumaki silang nasa ilalim ng Kanyang pangangalaga. Paalam classmate and may you rest in peace sa piling ng Poong Maykapal.
Mga ilang bagay na alam ko kay Merlita.
-Taga brgy San Carlos ang magulang niya
-Sa P.V.M. siya nag-elementary
-may tindahan ng damit sa palengke ang ina niya noong hayskul tayo
-Sa Batangas siya nag-college (di ko tiyak kung St. Bridget)
-Nagtrabaho siya sa Laguna at dito niya nakatagpo ang mister niya na nagtatrabaho dati sa Nestle
-barkada niyang noong hayskul si edna jarreno
-marami ring siyang tagahanga noong hayskul at college.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home