Thursday, September 08, 2005

Ilang Tanawin Mula sa New Zealand




Ang kuha sa itaas ay sa Milford Sound, isang world heritage Site dito sa "land of the long white clouds", ang dalawa naman na nasa ilalim ng pic ng Milford ay view sa tabihan ng bahay naming
tinutuluyan sa Central Otago. Tunay na napakaganda ng New Zealand particularly dito sa lugal namin sa South Island lalo na at ikaw ay isang nature lover at mahilig sa lugal na tahimik, walang gulo, ingay at polusyon. Pero kung ikaw ay mahilig sa shopping at iba pang nakagawiang buhay o city living malulungkot ka dito sa aming lugal sapagkat di kalakihan ang town naming tinitirhan. Mas malalaki at mas matao ang mga mall sa atin at siyempre pa mas mura ang bilihin
kaya noong makauwi ang mga bata tuwang-tuwa sila sa pamimili ng mga toys at cd para sa kanilang computer at playstation pati panooring vcd at dvd.
Sariwang hangin, luntiang kapatagan, matatayog na kabundukan, bughaw at napakalinis na tubig sa mga lawa at ilog ito ang aming kapaligiran. Karamihan ng magagandang sceneries sa Lord of the Ring Trilogy ay dito kinuha sa South Island ng New Zealand at itong lugal namin ang gateway. Ito ang adventure capital ng New Zealand sapagkat ang mga activities dito ay hamon sa iyong pagiging matapang at lakas ng iyong katawan. Bungee Jumping, ParaGliding, Sky Diving, Jet Boating, Snow Boarding, Snow Kiting at iba pang adrenaline pumping activities yan ang mga dinadayo dito ng napakaraming turista bukod pa nga sa napakaganda niyang tanawin at mga taong tunay ang kabaitan at palakaibigan. Isa pa rin sa labis na kinawiwilihan dito ang mountaineering activities, tramping sapagkat napakaraming bundok at walking trails at kahit mga bata hindi ka mag-alaalang isama sa kagubatan sapagkat walang ahas at mababangis na hayop. Ang mga bata dito kahit elementary pa lang madalas ay may outdoor activities sa school at ang camping nila ay inaabot ng isang linggo at doon sila sa dulo ng New Zealand ang Stewart Island na kinakailangan pang magboat o eroplano para mapuntahan. Tuwing winter naman sila ay nasa mga kabundukan at nag-skiing isang beses isang linggo bahagi pa rin ng school activities para sa outdoor training nila. Ngayong patapos na ang winter at spring na (baligtad kasi dito dahil nasa Southern Hemisphere, reverse ang season sa America at Europa) ang mga bata naman ay swimming ang magiging physical exercise. Halos araw-araw nag-swiswimming sila. Ito siguro ang dahilan kung bakit ang mga tao dito kahit matatanda na ay malalakas pa sapagkat bata pa lang sila ay sinanay na ang mga katawan sa mga strenous activities bukod pa nga siguro sa maaliwalas na kapaligiran at mga pampalusog na pagkain tulad ng gatas, protina mula sa karne at mga prutas. Otsenta anyos dito may nakikita pa akong nag-dridrive mag-isa at nakakapag-grocery pa. Isa pang labis na kapuripuri dito sa New Zealand ay ito ang pangalawa sa hindi pinakacorrupt na bansa sa buong mundo. Hindi uso dito ang suhulan at kurakutan (meron siguro pero hindi kasing lala sa ating bansa, na ayon din sa nasabing survey ay kabilang sa upper bracket na may pinakacorrupt na sistema). Ito siguro ang dahilan kaya naibibigay ng gobyerno ang libreng edukasyon ng maayos sa mga tao, pati school bus ay libre at kung hindi sapat ang suweldo ng magulang nasusubsidize sila ng gobyerno upang makatulong sa araw-araw na gastusin ng pamilya. Sa mga batchmate kung nais makarating dito heto ang website ng new zealand immigration. www.immigration.govt.nz Nandiyan lahat na guideline tourist man o immigrant ang inyong nais na pakay kung tutungo dito.

1 Comments:

At 12:22 AM, Anonymous Anonymous said...

This comment has been removed by a blog administrator.

 

Post a Comment

<< Home

Aking Musika