CREAM SECTION
Kapag sa Mabini ka pumasok at section A ka nasa klase ka ng the best and the brightest. Dito tipon-tipon ang mga matatalino at pagdating ng fourth year nadito ang top 1o ng buong batch. Tingnan ko nga kung gumagana pa ang aking memory. di ko masyadong kilala ang mga girls yong mga crush ko lang pero yong mga boys dahil nakasama namin sila sa practical arts at nakakalaro ng volleyball medyo tanda ko pa yata. Subukan nga at babaybayin ko: Ariel Lescano, Irineo Lit, Nelson Lumbera, Pedro Guillen o Guiller, Rodelio Rocafort, Ruben Mendoza, Ramon Cumagun, Edilberto Sarmiento, Ruel Gonzalez, Virgilio Acepcion, Freddie Alcaraz, Osmundo Orense, Jovencio De Ocampo and Dennis Marasigan.
Ang mga babae naman sabihin ko muna mga naging crush ko noon. Siyempre si Lyn Dimaano, si Yolanda Dimaano, Gloria Guevarra, Lutgarda Sison, Maricor Lacorte, Chona Dimaculangan, Elisabess Luarca. Ang alam ko pang mga girls nila ay Theresita Hablado, Angelina De Torres, Marithel Aranas, Eva Villanueva, Gloria Africa, Criselda Vinas, Novelita Cueto, Beverly (taga adya), Linda Bautista, LInatoc (taga San Nicolas), Mendoza (kasali sa top 10), Marissa Carandang, Florian Capulong.
Adviser nila noong fourth year ay si Joe Alex Katigbak, samantalang kami ay si Araceli Katigbak.
2 Comments:
From Lyn: Sobrang galing ng memory mo, Ray. Akalain mo matandaan mo lahat yan. Dagdagan natin: Si Beverly ay Verte, si Linatoc ay si Bernardita (Badette), si Mendoza ay si Marilyn. Si Pedro ay Guillen, si Maricor ay Maricar (na typo siguro). Nakalimutan mo yata si Criselda ViƱas?
Tingnan mo talaga, mula noon, kontra-tista na ako, hehe. Tandang tanda ko na bigayan ng card noon, at pinag-uuniform kami. Kaso, minsan lang akong nakakaalis ng bahay, gusto ko namang maisuot ang lonta kong pwedeng makahiwa ang liston sa permapress. Hayun, tuloy, ako lang ang naka-BROWN! Hindi ko inaasahan na magkokodakan kami...
Diyan sa picture na yan, may naging crush din ako na isa, pero di ko sasabihin kung sino. Buti na lang at di uso sa akin noon ang boyfriend -boyfriend, e di hindi ko na sana nakita ang aking wan-en-only dito sa UP.
Oo nga pala perma press, gabardine, bangbang jeans. mga mga pantalon din akong ganoon noon. ang mga kulay baga. may kulay dahon ng santol pag nalalaglag na at katingkad na berde ng mga gabardine ko na nakaperma press. tapos yong bangbang jeans ko mga patahi sa tailoring sa pelengke. ang baduy baduy ko siguro noon (kahit naman ngayon, he, he). Parang kilala ko crush mo. si E.S. ba kasi siya dati ang alam kong ibinibiro sa yo. nOONG 4TH YEAR AKO PINADALHAN KO NG LOVELETTER SI GLORia guevarra. hindi naman ako makaporma pag nakikita ko siya tago ako ng tago. maguumpisa ako sa mabini sa pagtatangkang sabayan siya abot na siya sa palengke at sakayan ng tangway hindi ko pa rin siya nakakausap.
Post a Comment
<< Home