Thursday, September 29, 2005

CREAM SECTION


Kapag sa Mabini ka pumasok at section A ka nasa klase ka ng the best and the brightest. Dito tipon-tipon ang mga matatalino at pagdating ng fourth year nadito ang top 1o ng buong batch. Tingnan ko nga kung gumagana pa ang aking memory. di ko masyadong kilala ang mga girls yong mga crush ko lang pero yong mga boys dahil nakasama namin sila sa practical arts at nakakalaro ng volleyball medyo tanda ko pa yata. Subukan nga at babaybayin ko: Ariel Lescano, Irineo Lit, Nelson Lumbera, Pedro Guillen o Guiller, Rodelio Rocafort, Ruben Mendoza, Ramon Cumagun, Edilberto Sarmiento, Ruel Gonzalez, Virgilio Acepcion, Freddie Alcaraz, Osmundo Orense, Jovencio De Ocampo and Dennis Marasigan.
Ang mga babae naman sabihin ko muna mga naging crush ko noon. Siyempre si Lyn Dimaano, si Yolanda Dimaano, Gloria Guevarra, Lutgarda Sison, Maricor Lacorte, Chona Dimaculangan, Elisabess Luarca. Ang alam ko pang mga girls nila ay Theresita Hablado, Angelina De Torres, Marithel Aranas, Eva Villanueva, Gloria Africa, Criselda Vinas, Novelita Cueto, Beverly (taga adya), Linda Bautista, LInatoc (taga San Nicolas), Mendoza (kasali sa top 10), Marissa Carandang, Florian Capulong.
Adviser nila noong fourth year ay si Joe Alex Katigbak, samantalang kami ay si Araceli Katigbak.

Monday, September 19, 2005

REUNION VILLA ADELINA 2004 (ninenok ko sa photo ng yahoo group natin)




Ang pics na ito ay kuha noong last batch reunion na ginawa sa Villa Adelina noong 2004. Sa lugal ito ni Donya Sonia. Huli na akong dumating dito kasi kasal ng hipag ko noon. Dennis kung mga shot mo ito pasensiya ka na sa pagkanenok ko. Ang dami ko pang pics ng reunion noon kaya lang naiwan ko sa Pilipinas (yong mga nauna naming dalawang reunion) . Batchmate mukhang marami sa atin ang pwede ng maging taga airbase dahil nalapad na ang palipadan ng ating eroplano sa mga bumbunan natin. Yun namang mga girls may asim pa rin (hindi ako makaangal kasi may nakatutok sa aking patalim habang tinitipa ko ang key ng computer, napipilitan lamang, he, he, he.)

Wednesday, September 14, 2005

LPL REUNION PICTURE 1989



Binata pa ako noong reunion na ito. Pati si Alex K. at si Rene Matias. Ginawa ito sa L.P.L. sa Inosloban-Plaridel area. Nainvite namin si Miss Asensi na noon ay sa Batangas National Highschool nagtuturo. Siya kasi ang aming adviser noong III-C kami. May nakapangasawahan sa aming section si Raul Magaling at Justina Rueca. Nakatuwang isipin magkaaway sila noon at minsan bumagsak pa sa sahig si Tina kasi hinila ni Raul ang stool na upuan sa Physics room ni Mr. Luistro. Marami na rin sa mga classmates namin ang nasa ibang bansa sa litratong ito. Si Bebs Lopez ay nasa Philadelphia, Sina Raul at Tina ay nasa Canada, Si Rita Marasigan ay nasa Spain, si Asuncion Montes ay nasa New York, si Alex Katimbang ay nasa New York din, Si Badette Garcia ay nasa Israel , si Maritess Oruga ay nasa Australia at ako naman ay narito ngayon sa New Zealand. Sa mga nag-reunion na ito mahigit sa kalahati ang nasa abroad na kasama ang kanilang mga pamilya. Ito kaya ay nagpapakita kung gaano na kahirap ang mabuhay sa ating bayan?

Saturday, September 10, 2005

DAGDAG NA TANAWIN MULA SA N.Z.





(ang mga pics na ito ay mula sa Destination Queenstown, click na lang ninyo mga pics ng lumaki at makita ninyo ang natural na kagandahan ng lugal kung nais pa ninyong malaman ang mga maaring mapasyalan at magawa dito sa Queenstown at neighboring environment iclick ninyo ang url na ito: www.queenstown-nz.co.nz )

Thursday, September 08, 2005

Ilang Tanawin Mula sa New Zealand




Ang kuha sa itaas ay sa Milford Sound, isang world heritage Site dito sa "land of the long white clouds", ang dalawa naman na nasa ilalim ng pic ng Milford ay view sa tabihan ng bahay naming
tinutuluyan sa Central Otago. Tunay na napakaganda ng New Zealand particularly dito sa lugal namin sa South Island lalo na at ikaw ay isang nature lover at mahilig sa lugal na tahimik, walang gulo, ingay at polusyon. Pero kung ikaw ay mahilig sa shopping at iba pang nakagawiang buhay o city living malulungkot ka dito sa aming lugal sapagkat di kalakihan ang town naming tinitirhan. Mas malalaki at mas matao ang mga mall sa atin at siyempre pa mas mura ang bilihin
kaya noong makauwi ang mga bata tuwang-tuwa sila sa pamimili ng mga toys at cd para sa kanilang computer at playstation pati panooring vcd at dvd.
Sariwang hangin, luntiang kapatagan, matatayog na kabundukan, bughaw at napakalinis na tubig sa mga lawa at ilog ito ang aming kapaligiran. Karamihan ng magagandang sceneries sa Lord of the Ring Trilogy ay dito kinuha sa South Island ng New Zealand at itong lugal namin ang gateway. Ito ang adventure capital ng New Zealand sapagkat ang mga activities dito ay hamon sa iyong pagiging matapang at lakas ng iyong katawan. Bungee Jumping, ParaGliding, Sky Diving, Jet Boating, Snow Boarding, Snow Kiting at iba pang adrenaline pumping activities yan ang mga dinadayo dito ng napakaraming turista bukod pa nga sa napakaganda niyang tanawin at mga taong tunay ang kabaitan at palakaibigan. Isa pa rin sa labis na kinawiwilihan dito ang mountaineering activities, tramping sapagkat napakaraming bundok at walking trails at kahit mga bata hindi ka mag-alaalang isama sa kagubatan sapagkat walang ahas at mababangis na hayop. Ang mga bata dito kahit elementary pa lang madalas ay may outdoor activities sa school at ang camping nila ay inaabot ng isang linggo at doon sila sa dulo ng New Zealand ang Stewart Island na kinakailangan pang magboat o eroplano para mapuntahan. Tuwing winter naman sila ay nasa mga kabundukan at nag-skiing isang beses isang linggo bahagi pa rin ng school activities para sa outdoor training nila. Ngayong patapos na ang winter at spring na (baligtad kasi dito dahil nasa Southern Hemisphere, reverse ang season sa America at Europa) ang mga bata naman ay swimming ang magiging physical exercise. Halos araw-araw nag-swiswimming sila. Ito siguro ang dahilan kung bakit ang mga tao dito kahit matatanda na ay malalakas pa sapagkat bata pa lang sila ay sinanay na ang mga katawan sa mga strenous activities bukod pa nga siguro sa maaliwalas na kapaligiran at mga pampalusog na pagkain tulad ng gatas, protina mula sa karne at mga prutas. Otsenta anyos dito may nakikita pa akong nag-dridrive mag-isa at nakakapag-grocery pa. Isa pang labis na kapuripuri dito sa New Zealand ay ito ang pangalawa sa hindi pinakacorrupt na bansa sa buong mundo. Hindi uso dito ang suhulan at kurakutan (meron siguro pero hindi kasing lala sa ating bansa, na ayon din sa nasabing survey ay kabilang sa upper bracket na may pinakacorrupt na sistema). Ito siguro ang dahilan kaya naibibigay ng gobyerno ang libreng edukasyon ng maayos sa mga tao, pati school bus ay libre at kung hindi sapat ang suweldo ng magulang nasusubsidize sila ng gobyerno upang makatulong sa araw-araw na gastusin ng pamilya. Sa mga batchmate kung nais makarating dito heto ang website ng new zealand immigration. www.immigration.govt.nz Nandiyan lahat na guideline tourist man o immigrant ang inyong nais na pakay kung tutungo dito.

Wednesday, September 07, 2005

The Mabini Academy Batch 77


Kumusta na kayo mga batch mate. Isa ito sa paraan upang magkasasama tayo at magkakuwentuhan tungkol sa ating nakaraan at kasalukuyan. Kaysarap gunitain ng hayskul life at panahon ng ating kabataan kapag ang kahuntahan ay ating mga dating ka schoolmate. Nakakalibang din na i-share natin sa kanila, sapagkat sila man ay sabik din kung nasaan na at ano na ang mga buhay-buhay natin ngayon.

Aking Musika